Monday, April 6, 2009

Filipinos are not slaves!

Mga kababayan ko,

Mali nga ba ang paratang na ito.

Bakit?

Milyong Filipino ang nangingibang bayan para manilbihan. Bihira ang Filipinong umaalis ng bayan para maging amo sa ibang bansa at mag-empleyo ng ibang lahi. Milyon milyon tayong OFWs na humahangos araw araw para magtrabaho. Yung iba, minamaltrato, yung iba swerteng mababait ang kasama sa trabaho.

Ilang porsyento nga ba ng OFW ang 'domestic helper', 'nanny' or 'driver'? Ilang porsyento ang office workers? Ilang porsyento ang middle-management? Ilang porsyento ang technical workers?

Masakit aminin ang katotohanan. Mahapdi ang sugat pag nasanting.

May bahaging katotohanan sa sinasabi ng nagsulat.

Ang nakapagpanting lang ng tenga ko ay ang banta at hindi magandang statement sa sarili nyang kasambahay. Kung ganun pala ang pananaw nya eh bakit Filipino ang kinuha nyang kasambahay. Kailangang ma-black list ang taong ito na hindi na muling makakuha ng Pinoy sa kanyang empleyo.

Ang sumulat, bagamat maaring kilala sa Hong Kong ay isang tungaw lamang kung ikukumpara sa opinion ng nakararami. Mas lalo lamang lalaki ang ulo ng taong ito, kung makakamtam nya ang kasikatang idudulot ng patuloy na pagpatol sa kanyang sinulat, na malinaw lamang na nagpapakita kung anong uri sya ng tao.

Ang sumulat ay isang taong walang dunong, bagamat may pinag-aralan. Isang taong walang galang, bagamat may katandaan na. Isang taong, hindi naging maganda ang pagpapalaki ng magulang at hindi naging maganda ang karanasan na naging sanhi ng kanyang baluktot at mala-sinaunang pananaw.

Hindi kailanman sya dapat makatuntong sa Pilipinas. Hindi kailanman dapat syang magkaroon ng 'aliping' Filipino sa hinaharap.

Sa mga nasaktan. Alam nating ang nagdudumilat na katotohanang ang mga OFWs ay naging bahagi ng pag-unlad nang di lamang iisang bansa, kundi nang maraming nasyon sa buong mundo. Munti mang bagay ang maging kasambahay o tagamaneho, ang maging empleyado sa opisina o labor sa init ng araw. Hindi nating kailangan ang isang taong katulad ng sumulat (tao nga ba syang maituturing kung ang pag-iisip at pananaw nya ay masahol pa sa isang hayop), upang i-validate kung ano tayo at san tayo lumulugar sa lipunan.

Sa ating mga sarili ay tiyak natin ang karangalan at kasiguruhang naging mabuti tayong bahagi ng ikabubuti ng buhay ng iba, masabi pang ito ay ating pamilya o pamilyang galing sa ibang bayan.

Ang respeto ay magmula sana sa ating mga sarili. Sa atin sariling pamilya. Sa ating sariling pamahalaan.

Hindi mawawala ang katulad ng taong(?) ito na sumulat ng maling pananaw. Lagi silang naandyan. Sa peryodiko, sa telebisyon, sa radyo kahit sa ibang sektor ng lipunan.

Pero padadala ba tayo sa kanilang kutya? Pambabastos? Pagtatanong sa ating integridad bilang tao at bilang Filipino?

May panahong dapat natin silang harapin. Ituwid ang maling paratang, itama ang maling akala at ibangon ang karapatang sinubukan nilang apakan.

Sa pagkakataong ito, ang mismong pamahalaan ang dapat magtanggol sa milyon milyong Filipinong nangibang bayan para maitaguyod ang mahal sa buhay at magbunga ng katatagang tinatamasa ng ating bayan. Dahil sa kanila, ang Pilipinas ay nakatikim ng pag-unlad. Maliit na bagay lang ito kung tutuusin bilang pagtanaw ng utang na loob sa mga 'aliping' nasa ibang bayan.


Gumagalang


Yusuf (Mario) Germino
Jeddah



*** that was my reaction to the letter below:
Re: Politically Incorrect column entitled “The War at Home” by columnist Chip Tsao, published in HK Magazine on March 27

The publisher and editors of HK Magazine wish to apologize unreservedly for any offense that may have been caused by Chip Tsao’s column dated March 27. HK Magazine has long championed the rights of Filipinos working in Hong Kong. We note that Filipinos have often been unfairly treated in Hong Kong, and that they make an important contribution to this community. As a magazine, we would never want to say anything that would negate that belief. The column in question was satirical. One aspect of satire is that it can at times be read in different ways. In this particular case, many people have read meanings into this column that were never actually intended. We wish to assure our readers that we have nothing but respect for Filipinos, both living in Hong Kong and abroad. --ENDS--Asia City Publishing 301 Hollywood Centre, 233 Hollywood Road, Hong Kong

No comments: